Muling pinainit ng Ripple CTO na si David Schwartz ang debate ukol sa flippening ng XRP ngayong linggo, nang sabihin niya sa isang Twitter Spaces audience na mas malamang na mangyari ang pag-overtake ng XRP sa market capitalization ng Bitcoin dahil sa sariling paglago at pag-ampon ng XRP, kaysa sa pagbagsak ng presyo ng Bitcoin.
Binigyang-linaw ng crypto analyst na si Zach Rector kung ano talaga ang ibig sabihin ng pahayag na iyon para sa presyo ng XRP, gamit ang mga kalkulasyon para sa market cap at fully diluted valuation.
Ang Matematika sa Likod ng mga Numero
Kinuwenta ni Rector na ang $1.5 trilyong valuation, na halos katapat ng kasalukuyang market cap ng Bitcoin, ay maglalagay sa XRP sa halos $23.91 gamit ang kasalukuyang circulating supply nito na humigit-kumulang 62 bilyon na token. Sa all-time high market cap ng Bitcoin na $2.5 trilyon, ang XRP ay mapagpapalitan sa bahagyang mas mababa sa $40.
Sa mas maingat na paraan na kinukuwenta ang buong 100 bilyong supply ng XRP, nakuha ni Rector ang fully diluted values na $15 sa $1.5 trilyong valuation at $25 sa $2.5 trilyon, mga numerong inilarawan niyang baseline scenario batay sa pag-iisip ni Schwartz.
AI Pushback na Nagtaas sa Floor
Sinabi ni Rector na pinaandar niya ang scenario kay Claude upang subukin ang kanyang konserbatibong estimate, at itinama ng AI na minamaliit ng kanyang mga numero ang scenario. Dahil inaaasume ng flip scenario ni Schwartz ang mas malaking kabuuang crypto market, mas mataas na din ang valuation ng Bitcoin kung sakaling mangyari ang flip, kaya't ang $15 hanggang $25 ay nagsisilbing floor ng senaryo at hindi ceiling.
Mas Bullish na Senaryo
Sa bull case ni Rector, kung mararating ng Bitcoin ang $3 trilyon hanggang $5 trilyong market cap at kasabay ring aangat ang XRP, maaaring lumagpas ang presyo ng XRP sa $50 sa fully diluted scenario.
Kasulukuyang nagtratrade ang XRP malapit sa $1.30, malayo pa rin sa cycle high nito na $3.66. Hindi nagbigay ng tiyak na timeline si Schwartz para sa posibleng flip, at nananatiling haka-haka ang scenario. Ngunit malinaw na inamin ng pamunuan ng Ripple, sa pamamagitan ng kanyang pahayag, na posible ang natural na Bitcoin flip sa hinaharap sa pamamagitan ng organic growth, imbes na pagbagsak ng Bitcoin.

